-- Advertisements --
Pinuri ni Senate President Chiz Escudero ang hakbang ng House of Representatives para ipasa ang panukalang batas na P200 across the board na arawang sahod ng mga private workers.
Sinabi nito na kahit na mayroon na lamang silang natitirang siyam na session ay kaniyang tinanggap ang pagiging bukas ng House sa pagpasa ng Senate-initiated measures.
Noong nakaraang taon kasi ay ipinasa ng Senado ang P100 na legislated wage bill.
Aatasan niya ang mga committe secretaries na bantayan ang pagdinig sa House para maging updated ang senado.
Magugunitang pinulong ni House Speaker Martin Romualdez ang mga labor sector at nangakong pabibilisan ang pagpasa ng legislated wage increase.