Natamaan ng isang air strike ang isang paaralan sa Zeitoun area sa loob ng Gaza na siyang bumawi sa buhay ng 22 na indibidwal nitong Sabado.
Ayon sa imbestigasyon ng Gaza Health Ministry, nakapagtala naman ng halos 30 na indibidwal ng nasaktan sa insidente. Karamihan sa naging casualties ay mga bata at kababaihan.
Nauna na dito ay pinabulaanan ng Israel na sinadya nilang pasabugin ang nasabing eskwelahan. Giit nito, ang naisa nilang tamaan ay ang command and control center ng Hamas na siya umanong nasa loob ng isang di tukoy na paaralan.
Sa parehong araw naman ay naganunsyo ang health ministry ng Gaza na lima sa kanilang mga empleyado ang pinatay at lima din ang sugatan dahil umano sa sunod na pakana ng Israel na tumupok sa mga warehouse sa timog na bahagi ng Musbah area.
Samantala, patuloy naman ang alitan ng dalawang mga bansa na siyang nagdulot ng karumaldumal na mga bilang ng mga nasawi kabilang na ang mga bata, matatanda at kababaihan. Ang mga naging pag-atake naman ng Israel ay taliwas sa kanilang pangakong lilimitahan ang mga magiging biktimang bata. Sinabi din ng kanilang militar na hindi nila tatamaan ng air strike ang mga ospital at paralan.