-- Advertisements --

Ibinunyag ni Police Colonel Jovie Espenido na sinabi sa kaniya noon ni dating PNP chief at ngayon ay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na pinilit nila ang umanoy drug lord na si Kerwin Espinosa na idawit si dating Senador Leila de Lima sa iligal na droga.

Lumabas ang nasabing pagbubunyag ng tanungin siya ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro sa pagdinig ng House Quad Committee.

Binawi rin ni Espenido kaniyang mga testimonya niya laban kay De Lima noong imbestigasyon ng Senado sa taong 2016.

Noong pagdinig kasi sa senado ay idinawit ni Espenido na dating police chief ng Albuera, Leyte si De Lima.

Una ng itinanggi ni Dela Rosa ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya ni Espinosa na pinilit niya ito para ipitin si De Lima.

Magugunitang nakulong ng anim na taon si De Lima dahil sa umanoy pagkakaugnay ng tatlong drug trafficking