Kinumpirma ng isang high-ranking police officer na karamihan sa mga naitalang human rights violations ay naganap sa kasagsagan ng ‘madugong drug war campaign sa ilalim ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Espenido na ang mga tauhan na malapit sa dating pangulo at mga kasamahan nito sa PNP ay inabuso ang “tokhang” para sa kanilang pansariling interes.
Inihayag ni Espenido na nagagawa ng mga pulis na lumabag sa karapatang pantao ay para makamit ang kanilang target.
Nagtakda kasi ng quota ang liderato ng PNP mula sa 50 hanggang 100 na mapapatay na drug suspek bawat araw at nasa P20,000.00 ang reward na matatanggap ng mga police officers.
Ipinaliwanag naman ni Espenido na sa kaniyang panig na ang ginagawa nilang tokhang ay para sumuko ang mga drug suspeks ng sa gayon maisa ilalim sa rehabilitation.
Dagdag pa ni Espenido na nuong naka assigned siya sa Ozamiz City, tinawagan siya ni PNP chief at ngayo’y Sen. Ronald dela Rosa na huwag galawin ang isang alkalde dahil ito ay operator ng small town lottery at hinihinalaang drug lord.
Aniya ang intelligence funds at pera mula sa Philippine offshore gambling operations (POGOs) ang ginagamit para pondohan ang reward system.
Tinatayang nasa 30,000 drug suspects ang pinaniniwalaang namatay sa anti-drug campaign ng Duterte administration.