-- Advertisements --
espenido
Police Maj. Jovie Espenido

BACOLOD CITY – Nagbabala si Police Major Jovie Espenido sa mga ninja cops sa Bacolod na tigilan na ang iligal na ginagawa bago siya magiging bahagi ng Bacolod City Police Office sa susunod na linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Espenido, nanindigan itong dapat nang magbago ang mga ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng iligal na druga dahil pera ng taumbayan ang kanilang sahod.

Ayon dito, trabaho lamang ang kanyang ginagawa at walang personalan.

Nagbabala rin ito sa mga drug lord sa Bacolod na siya ay hintayin.

Kasabay nito, humiling si Espenido ng tulong ng mga Bacoleño na ipagdasal ang kanyang trabaho dahil nais lamang nitong mabibigyan ng hustisya ang mga residente na walang gumagawa ng iligal sa kanilang paligid.

Giit nito, walang karapatan ang mga gumagawa ng iligal na mabuhay kundi nararapat sila sa kulungan o sa sementeryo.

Ang Bacolod ayon kay Espenido ay para lamang sa mga mabubuting tao upang manatili itong City of Smiles.

Si Espenido ay magrereport sa Police Regional Office 6 sa darating na Martes.