-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Dumating na sa lungsod ng Bacolod ang kontrobersiyal na si Police Lt. Col. Jovie Espenido na itinilaga bilang deputy city director for operations ng Bacolod City Police Office (BCPO).

Sa kanyang pagdating sa lungsod kagabi, malaki ang pasasalamat ni Espenido sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa positibo din na reaksyon nga mga Bacoleño sa kanyang assignment.

Sa isang pulong balitaan, ipinangako ni Espenido na gagawin nito ang lahat para sa kabutihan ng BCPO.

Gusto rin nito na siya mismo ang magkumpirma kung talagang talamak ang iligal na druga sa lungsod at hindi lamang base sa mga sabi-sabi.

Sa ngayon ay wala pang hawak si Espenido na opisyal na listahan ng mga drug personalities sa Bacolod at wala rin itong na-monitor na politiko na may kinalaman sa illegal drug trade.

Nagbanta naman ang kontrobersiyal na pulis sa mga drug personalities na tumigil na sa iligal na gawain upang hindi malipat sa Nobyembre 2 o Araw ng mga Patay ang kanilang kapanganakan.

Maliban sa pagiging deputy city director for operations, pamumunuan din ni Espenido ang City Drugs Enforcement Unit (CDEU).