BACOLOD CITY — Binigyan ng ultimatum ni Bacolod City Police Office (BCPO) Deputy City Director for Operations Lt. Col. Jovie Espenido ang mga drug personalities sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Espenido, sinabi nito na “shabulized city” ang Bacolod dahil sa malalaking volume ng iligal na droga na nakukumpiska sa mga buybust operation.
Parang hindi aniya nauubusan ng supply ng shabu ang lungsod base na rin sa mga accomplishments ng mga police stations sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Nagbigay din si Espenido ng ultimatum sa mga drug personalities na isa-isang pumunta sa kanyang opisina at aminin kung sino ang protektor sa kanilang operasyon sa Bacolod at probinsiya ng Negros Occidental upang mapanagot din sa batas.
Mayroong hanggang Enero 31 ng kasalukuyang taon ang mga drug personalities para lumapit sa kanya para makipagtulungan sa pulisya.
Hangga’t maaari ayon kay Espenido, iiwasan niyang may patayan na mangyayari sa pamumuno nito ng anti-illegal drug campaign sa lungsod.