CAGAYAN DE ORO CITY – Diretsahan na tinukoy ng kontrobersyal na si Police Lt Col Jovie Espenido na ang mga natitirang Parojinog ang nasa likod kung bakit nasasampahan ito ng anim na counts ng kasong homicide at arbitrary detention sa isang korte ng Ozamiz City,Misamis Occidental.
Ito ay matapos napasugod si Espenido sa dati niyang assignment area na Ozamiz City Police Station upang boluntaryo na isuko ang kanyang sarili dahil sa inihayag ng Department of Justice na mayroon siyang kinaharap na mga kaso kaugnay sa madugo na operasyon nila na ikinasawi ng anim na katao sa Ozamiz City noong Hunyo 2017.
Inihayag ni Espenido na tandang-tanda pa nito na pinapapunta nina detained Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at late former City Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog ang isang Carmelita Manzano upang hihikayatin na maghain ng reklamo sa sinapit ng ilang mga kaanak nito.
Sinabi ng opisyal na walang kakayahan ang pamilya Manzano para magpursige ng reklamo kaya tinulungan umano ng mga Parojinog upang makaganti sila sa mga pulis na nasa likod pagpapabagsak ng illegal drugs operations na pinamunuan noon ni late Ozamiz City Mayor Reynaldo ‘Aldong’ Parojinog Sr.
Magugunitang nasa kasagsagan nang pagsaasya ang mga biktimang mag-ama na si Francrciaoa at Jerry Manzano;Victorino Mira Jr;Lito Manisan,Romeo Libaton at Alvin LapeƱa dahil nakipaglaban umano sa mga lumusob na pulisya.
Napag-alaman na mga tauhan umano ng pamilya Parojinog at mga miyembro rin raw sa grupong Martilyo Gang na nasa likod ng malawakang pangho-holdap ng mga bangko at pawnshop sa ilang bahagi ng bansa.