Tiniyak ng Malacañang na hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na saktan ang sinuman lalo na ang mga pamamaraang labag sa batas.
Pahayag ito ng Malacañang matapos ihayag ni Lt. Col. Jovie Espenido na maari siyang patayin ng gobyerno dahil sa iligal na droga.
Sinabi Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi mapipigilan ng Malacañang si Espenido na magbulalas ng kanyang mga pangamba dahil maari umanong may sariling itong basehan.
Una rito, sinabi ni Espenido na maaring ang mga pulis din ang papatay sa kanya.
Magugunitang isa si Espenido sa mahigit 300 pulis na napasama sa drug list ng PNP.
“If that is Col. Espenido’s fear, we can not stop him such apprehension. He must have some reasons. PRRD will not allow any harm to anyone outside of legal processes and methods sanctioned by law,” ani Sec. Panelo.