-- Advertisements --

Tiniyak ni PLt. Col. Jovie Espenido na mananaig ang ‘rule of law” sa mga gagawing operasyon sa siyudad ng Bacolod.

Si Espenido ay itinalaga bilang deputy city police director ng Bacolod City.

Ayon kay Espenido, walang dapat ipangamba ang mga taga Bacolod sa kaniyang assignment duon dahil hindi naman siya naka-assign sa field.
hindi lalabag sa karapatang pantao

Sa ngayon wala pang hawak na listahan si Espenido ng mga drug personalities sa Bacolod City.

Binigyang-diin din ng opisyal na lahat ng kanilang isasagawang operasyon ay naaayon sa standard operating procedure (SOP) at bawat police operation ay kaniya itong ipinagdadarasal.

Aniya, lubos na nirerespeto ng PNP ang karapatang pantao kaya malabo na basta basta na lamang silang papatay ng tao.

Ipinagmalaki naman ni Espenido na wala siyang kinakaharap na human rights cases dahil maingat siya sa bawat police operation.

Naging kontrobersiyal si Espenido ng maging chief of police ito ng Albuera sa Leyte kung saan napatay sa loob ng kulungan si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Sumunod na assignment ni Espenido ay sa Ozamiz City kung saan napatay sa isang drug operation si Mayor Reynaldo Parojinog.