-- Advertisements --

Tahasang inamin ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. na naghain ng panibagong diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas sa China.

Ito ay kasunod ng lumutang na ulat, na daan daang Chinese vessels ang namataan sa Pag-asa Island na teritoryo malapit sa South China Sea.

Bukod dito, nakita rin daw ang pagdaan ng Chinese warships sa bahagi ng Sibutu Strait, malapit sa Tawi-Tawi.

“Napakaraming Chinese vessels doon (sa Pag-asa Island). Ang bagong record on February 8, umabot sila ng 61. July 24, umbabot sila ng 113. I am filing diplomatic action because of that,” ani Esperon.

“Pero kahapon, nawala na yung mga Chinese fishing vessels. Well, weather. Meron silang pinupuntahang iba, yng Subi Reef.”

“Customarily, lahat ng military vessels that pass through our territory ask for diplomatic clearance. We have no record of them passing. Reason nila is innocent passage. In a sense that is correct.”

Sa kanyang online post, sinagot ng kalihim ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na nagrekomenda ng diplomatikong aksyon.

Ayon kay Locsin, pinag-aralan ng kanyang tanggapan ang ulat, gayundin na tiwala ito bilang military intelligence.

“Diplomatic protest fired off. I did. I listen only to military intelligence; I distrust civilian sources of “misinformation.” When it comes to national security, I am the thinking trigger; the finger is the Commander-in-Chief and the Armed Forces which are the protector of people & state.”

https://twitter.com/teddyboylocsin/status/1156395868104224768?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1156395868104224768&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.bomboradyo.com%2Fdiplomatic-protest-inihain-vs-china-dahil-sa-mga-barkong-naglalayag-sa-pag-asa-island-locsin%2F

Aminado si Esperon na walang masama sa argumento ng China na right of innocent passage sa naturang teritoryo.

Pero kung tradisyon daw ng estado ang pagbabasehan, paglabag ito dahil may kasunduan ang Pilipinas sa ibang bansa hinggil sa paghahain ng diplomatic clearance.

Sa kabila nito, tiniyak ni Esperon na tuloy ang mga hakbang ng estado para sa pag-aaring teritoryo.

“There are so many possibilities; pwedeng nagre-resupply sila, nagba-bantay, nagda-dry run… suffice to say we are aware of that. Which is why we are strengthening our ‘position’ within our ‘possession.'”

Kung maalala, dati na ring binatikos ang artificial islands na itinayo ng China malapit sa Pag-asa Island.

Hindi rin ito ang unang beses na nag-protesta ang bansa dahil umaksyon ang estado kamakailan kaugnay ng issue sa Recto Bank.