DAGUPAN CITY – Sinupla ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang pahayag ng mga militanteng grupo na maapektuhan ang edukasyon ng mga estudyante ng 50 paaralan umano ng mga lumad sa Mindanao na ipinasara ng pamahalaan kamakailan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Esperon na maraming mga ligal na paaralan sa Mindanao kaya walang dapat na ikabahala kahit pa naipasara ang 55 Salugpongan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. sa Davao region.
Binigyang diin ni Esperon na hindi kailangan ang ganitong mga uri ng pasilidad dahil para sa lahat naman aniya ang mga pampublikong paaralan.
Tinatanggap naman din aniya ang mga indigenous people (IP) o mga katutubo tulad ng mga lumad sa mga pribadong paaralan.