DAGUPAN CITY- Naniniwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na magiging sapat na ang ginagawang sariling imbestigasyon ng Pilipinas sa nangyaring insidente sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ang binigyang diin ng opisyal sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay parin sa insidente.
Aniya, bagamat maganda din kung mayroong independent third party na mag-iimbestiga, naniniwala itong ang magiging resulta ng hawalay na imbestigasyon ng Pilipinas ay sapat na upang mabigyang linaw ang insidente.
Matatandaan na nalagay sa alanganin ang buhay ng nasa 22 mangingisdang Pinoy na pinabagyang nagpalutang-lutang ng mga sakay ng Chinese Fishing vessel na bumangga sa kanilang matapos na lumubog ang kanilang bangkang pangisda bagamat nailigtas ng isang Vietnamese Fishing Vessel.