DAGUPAN CITY – Maging si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ay naniniwalang hindi na kailangang palawigin pa ang umiiral na martial law sa Mindanao.
Matatandaang inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ay ayaw nang i-extend pa ang ipinapatupad na batas militar sa rehiyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esperon, sinabi nito na bagama’t hindi na kailangan pang palawigin pa ang martial law ay kailangan pang huwag bumitaw sa mga isinasagawang random check points, operation against lawless elements and terrorist at ang pagpapaigting pa sa intelligence gathering.
Kailangan ding panatilihn ang tinatawag na target hardening at paglalagay ng security measure sa mga posibleng maging target ng terorismo.
Inihayag naman ni Esperon na tanging ang 3-day detention lamang ang hindi maaring gawin kapag hindi na napalawig pa ang batas militar.
Ang martial law sa Mindanao ay magtatapos na sa Disyembre 31 na idineklara ng gobyerno noong 2017 matapos masakop ng Maute terrorist group ang Marawi City.