-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagbibigay ng stickers ang Guimaras provincial government upang magsilbing palatandaan sa mga residente sa nasabing lugar upang mapadali ang screening na ginagawa sa mga pantalan sa isla.

Ito ay sa gitna na pa rin ng pinaigting na pagbabantay ng lalawigan laban pagpasok ng sa Coronavirus Disease-2019 kung saan mapapadali ang pagproseso ng screening hindi lang sa mga residente kundi sa mga turista rin na pumapasok.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Kagawad Rodrigo Galgo ng Brgy. Poblacion, Nueva Valencia, Guimaras, sinabi nito na kung mayroong stickers na nakadikit sa valid ID ng residente, mas mapapadali ang ginagawang cross examination sa puerto.

Ayon sa kanya, karamihan sa mga binibigyan ng stickers ay ang mga estudyante na tumatawid sa Iloilo Strait sa Lungsod ng Iloilo.

Ani Galgo, ang stickers ang libreng binibigay ngunit tumatanggap din sila ng donasyon.