Ibinunyag ni Albuera Chief of Police PLt Col. Jovie Espinido na pondo mula sa operasyon ng POGO ay siyang ginagamit para sa reward system sa mga pulis.
Ito’y matapos inamin ni Espinido na mayruong quota at reward system sa war on drugs ng Duterte administration.
Sa pagtatanong ni Rep. Migs Nograles kay Espinido tinanong nito kung ang POGO may basbas at orders sa pagpopondo sa reward system na dumaadaan umano kay Senator Bong Go.
Sagot naman ni Espinido na ito ay base sa impormasyon na kaniyang natanggap mula sa isang Mayor Navarro.
Hindi naan direktang iniugnay ni Espinido si Senator Go sa POGO.
Tinanong din ni Nograles kay Espinido na kung ang lahat ng mga nangyayari ay may basbas sa taas, sagot naman ng police official ay oo.
Ibinunyag din ni Espinido na batid ng mga pulis na may quota at may reward system lalo na kung ang namatay ay nasa watchlist kahit na may ginawang legitimate na buy-bust operation o wala.