-- Advertisements --

DAGUPAN CITY — Umakyat na sa halos 200 ang basyo ng bala ng baril ang nakolekta ng mga otoridad sa nagpapatuloy nilang imbestigasyon sa tangkang pagpatay kay dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr.

Inihayag ni PCol. Redrico Maranan, Provincial Director ng Pangasinan, nasa 169 ang nakolekta na basyo ng magkakaibang uri ng baril ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen partikular na sa Brgy. Magtaking, San Carlos City.

Habang nagpapatuloy aniya ang pagroseso nila sa crime scene ay posible pang mabago ang bilang at tumaas.

Samantala, nasa pitong high powered fire arms naman ang nakumpiska sa inabandonang dalawang sasakyan na nareober ng mga otoridad sa mga karatig na barangay, na pinaniniwalang ginamit na get-away vehicle ng mga suspek na tumakas sa magkahiwalay na direksyon.

Matatandaan na unang narecover ang isang pulang kotse sa bahagi ng Brgy. Cobol kung saan nakuha ang dalawang M16 baby armalite at isang M16 standard armalite na may buradong mga serial number; limang short magazine at apat na long magazine para sa para sa M16 bukod pa sa 34 apat na bala para parin sa naturang baril.

Habang sa ikalawang sasakyan na kulay blue na SUV ay nakumpiska ang isang hand grenade; dalawang M14 rifle at apat na magazine para sa dito; isang M16 riffle hydra matic; isang Baby Armalite Rock River Arms at tatlong magazine para dito bukod pa sa mga jacket, damit at gloves.