DAGUPAN CITY – Patuloy ang pagbisita ng mga prominenteng tao kay dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., ilang araw matapos ang pananambang sa kanyang convoy sa Barangay Magtaking, San Carlos City, na ikinasawi ng bodyguard at driver nito.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, bumisita sa kanyang bahay si Senator Ronald “Bato” de la Rosa matapos na makalabas ng pagamutan ang dating mambabatas.
Kasabay ng pagbisita ng senador ay ang pagtiyak na tututukan ang kaso ni Espino upang mabilis itong maresolba.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya Espino sa pagbisita ni dela Rosa.
Samantala, muling magsasagawa ng press conference ang Philippine National Police (PNP) bukas kaugnay sa insidente.
Sa ngayon ay patuloy ang masusing imbestigasyon sa nasabing kaso.
Si Espino ay kabilang Philippine Military Academy Class 1972.
Nagretiro siya sa serbisyo sa PNP bilang regional director ng Police Regional Office-1 bago naging gobernardor at congressman ng Pangasinan.