-- Advertisements --

Kasalukuyan nang nasa mabuti at stable na kalagayan si self-confessed drug lord at siyang nagdiin kay dating Sen. Leila De Lima, na si Kerwin Espinosa matapos na matambangan habang nangangampaniya sa Albuera, Leyte nitong Huwebes.

Sa kaniyang naging pahayag, ang naging pagbabanta umano sa kaniyang buhay ay may kaugnayan sa mga personalidad na maaari aniyang mapektuhan ang mga negosyo kapag siya ang nanalo bilang Mayor ng Albuera sa darating na eleksyon.

Aniya, magpapatuloy at hindi magpapadala sa takot ang kaniyang panig at itutuloy lamang ang pangangampaniya.

Samantala nagpasalamat naman si Espinosa sa Diyos at inihayag ang kadakilaan nito na siya aniyang nagligtas sa kaniya.

Samantala ayon din kay Espinosa, naaresto na ng mga otoridad ang suspek sa likod ng pamamaril na hindi naman pinangalanan.

Ayon naman sa Police Regional Office VIII, nananatiling under investigation ang insidente at hindi direktang kinumpirma kung nasa kustodiya na nga ba ng pulisya ang gunman sa insidente.