Dapat ng maamyendahan ang espionage law sa Pilipinas ayon kay Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr.
Sa isang panayam sa kalihim, sinabi niyang sa ngayon kasi ay epektibo lamang ang naturang batas sa panahon ng digmaan kayat mahalaga aniya na mapairal din ito sa panahon ng kapayapaan para maparusahan ang mga ispiya.
Ayon pa sa kalihim, alam na ng mga mambabatas na dapat itong agad na amyendahan para makagawa ng aksiyon ang pamahalaan para sugpuin ito.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos ang iprisenta sa pagdinig ng House Quad Committee noong nakalipas na linggo ang isang documentary video kaugnay sa rebelasyon ng nakakulong na Chinese spy at tycoon na si She Zhijiang sa panayam sa kaniya ng isang international media network kaugnay kay Guo Hua Ping na isang ispiya ng China, bagay na itinanggi naman ni Alice Guo.