-- Advertisements --
Plano ngayon ng NCAA na isama ang esport sa kanilang season 96 program.
Kasunod ito na mayroong apat na mandatory sports lamang ang lalaruin dahil sa novel coronavirus pandemic.
Inanunsiyo kasi ng 96 host na Colegio de San Juan de Letran na gagawin lamang ang kumpetisiyon sa basketball, volleyball, swimming at track and field kapag sila ay nakabalik na sa 2021.
Sinabi ni Father Vic Calvo, OP ng Letran na plano nilang palawigin ang programa gaya ng online chess at esport.
Sa ngayon ay pinag-iisipan nilang isama pansamantala ang larong mobile legends.
Magugunitang noong 2019 Southeast Asian Games ay naging matagumpay ang Pilipinas sa larong esports.