-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patuloy na iginagalang ng Estados Unidos ang one-China Policy kahit inihayag ni US President Joe Biden na handang ipagtanggol ng Estados Unidos ang Taiwan sakaling lusubin ng China.

Ito ang nilinaw ni US Press Secretary Jen Psaki sa pagsasabing walang pagbabago ang polisiya ng Amerika sa Taiwan at iginagalang ang One-China Policy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington DC na nagkakainitan ngayon ang US at China dahil sa trade at economic policy gayundin sa security issues sa Asya.

Itinuturing na aniya ng US na global competition ang China at hindi ang Russia.