-- Advertisements --

Kinumpirma ng mga opisyal mula sa Ministry of Foreign Affairs ng China na natanggap na nila ang medical supplies mula sa Estados Unidos.

Ang mga naturang suplay ay makatutulong umano sa mga otoridad para hindi na mas lalo pang lumala ang pakalat ng 2019 Novel coronavirus (2019-nCoV).

Nagtulong-tulong din ang ilang negosyo at institusyon sa Amerika para sumuporta.

Sinabi ni ministry spokeswoman Hua Chunying na tutulong sin ang Amerika sa joint expert team na binubuo ng mga opisyal mula China at World Health Organization (WHO).

“We hope that the US will respect WHO’s authoritative and professional recommendations, react in an objective, fair, calm and evidence-based manner, rather than excessively,” saad ni Hua.