CAGAYAN DE ORO CITY – Tahasang tinukoy ng grupong Asian Century Philippines Strategic Studies Institute na umano’y ang Estados Unidos ang nasa likod pagpatapon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague,Netherlands.
Ito ang binanggit ni Herman Laurel,pangulo ng grupo kaugnay sa sinapit ni Duterte gamit ang umano’y isyu ng extra judicial killings na nag-resulta ng kasong crimes against person para labasan ng arrest warrant at ikulong sa banyagang bansa.
Sinabi nito na kahit ang China ay dinamay rin umano ng Estados Unidos na hindi nagbigay nang hininging asylum ng dating pangulo dahilan na naaresto ito paglapag sa sinakyang eroplano mula Hong Kong sa Ninoy Aquino International Airport sa Maynila noong Marso 11 ng umaga.
Binanggit ni Laurel ang matatag na independent foreign policy ni Duterte noon na tumiwalag sa tali ng Estados Unidos at kinaibigan ang kapitbahay na bansang Tsina at ang Rusya sa bahaging Orupa.
Magugunitang sa panahon ni Duterte,kapwa binisita nito sila Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping na malakas na karibal ng Estados Unidos sa pangkalahatan.