-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Nagpa-retoke umano ang estafa queen na si Erma Mindadigman Taule na nahuli ng mga otoridad dahil sa kasong large scale stafa.

Ito ang inihayag ng mga complainant nang kanilang makaharap si Taule sa isinagawang arraignment ng kanyang kaso sa piskalya ng Iligan City .

Sinabi ng mga reklamante sa panayam ng Bombo Radyo, na tumangos ang ilong ni Taule at pumuti ang kanyang mukha na malayo sa hitsura nito noon.

Si Taule ang mahigit isang taong nagtatago sa batas dahil sa kasong kanyang kinakaharap.

Nakapiit siya ngayon sa Iligan City Jail.

Humihingi rin ito ng patawad sa mahigit 30 negosyante mula Luzon at Mindanao ng kanyang naging biktima.

Nauna rito, humihingi ng tulong sa Bombo Radyo ang negosytante at construction firm owner na si Alyas Kristine upang mahuli ang mga kasamahan ni Taule sa kanyang panloloko.

Kabilang dito sina Melanin Balosong Pajarong, Joseph Morales, Marieta Marquez, Alan Vilamor, Hydie Viaco, Engr Joel Lacera at Fatima Manaloto.

Gusto rin ni Alyas Kristine na ipahuli ang Malaysian national na mister nito na si Bradley Miles Taule na may kasong illegal recruitment at human trafficking.

Napag-alaman na mahigit sa 30 milyong peso ang nakulimbat ni Taule mula sa mga niloko nitong construction firms gamit ang Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.