-- Advertisements --

Huli sa naging manhunt operation ng kapulisan partikular na ng Presinto Tres ng Lebak MPS at ng 2ND SK PMFC at Tracker Team Delta RID 12 ang isang estapador sa Purok Palmera sa Barangay Poloy-Poloy sa bayan ng Lebak sa lalawigan ng Sultan Kudarat ngayong araw.

Kinilala ang estapador na si alyas Albs, lalaki, 32 at may trabaho at residente din ng nabanggit na purok at barangay.

Inaresto ang personahe dahil sa paglabag nito sa Artikulo 315 ng kodigo penal o Estafa.

Nirekumenda ng hukuman ang piyansa na aabot sa 72,000.00.

Binasahan din naman ng kanyang karapatan ang naturang suspek sa kanyang alam na dialekto.

Himas rehas na ngayon ang estapador sa bilangguan ng presinto tres.