-- Advertisements --

Inasahan na raw ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang naging pasya ng Sandiganbayan na ibasura ang motion for reconsideration na baligtarin ang pagpapawalang-sala sa kanya sa mga kasong bribery at indirect bribery. 

Bagamat aniya inasahan na niya ito sa Sandiganbayan, umaasa pa rin si Estrada na papanig sa kanya ang Korte dahil sa naunang desisyon ay sinabi nila na walang merito o batayan ang kasong direct at indirect bribery. 

Pinanghahawakan daw ng senador na walang basehan ang paratang sa kaniya at hindi niya ginamit ang pera ng bayan para sa pansariling kapakinabangan o para pagtakpan ang maling gawain. 

Dagdag pa nito, ang bindikasyon aniya ay magbubunsod para makapagpokus siya nang husto sa trabahong ibinigay sa kanya ng higit 15 milyong bumoto para siya makaupo muli sa senado. 

Ibinasura rin ng anti-graft court ang preemptory challenge at motion to expunge ni Estrada dahil sa kawalan ng merito. 

Una rito, pinawalang-sala nitong Enero ng kasalukuyang taon si Estrada sa kasong plunder kaugnay ng tinaguriang pork barrel scam.

Hinatulan siyang convicted sa direct at indirect bribery noon pero pinawalang sala rito nitong Agosto.