Umapela si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kay dating Senador Panfilo “Ping” Lacson na isiwalat na ang pangalan ng umano’y kaibigan niyang Filipino-Chinese trader na nilapitan at inalok ni dismissed Bamban mayor Alice Guo ng P1 billion para ilapit siya sa first family.
Giit ni Estrada, huwag nang mag-guessing game o maghulaan kung sino yung tinutukoy na “kaibigan” ni dating Senador Lacson at isiwalat na lamang para sa paghahanap ng katotohanan.
Gayunpaman, sa palagay ni Estrada, kung mayroon talagang P1 billion si Guo ay kaya rin niyang bilhin ang lahat ng gusto niyang suhulan ngunit malabo aniyang may papayag na tumanggap nang ganoong kalaking halaga dahil kahindik-hindik ito.
Samantala, posible rin naman aniyang payat o maliit na halaga lamang kay Guo ang P1 billion dahil sa laki ng negosyo nito.
Magugunitang kinumpirma ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Usec. Gilbert Cruz na mayroong nagpahaging o bumulong sa kanya para tulungan si Guo.
Inamin ni Cruz may mga lumapit at nagpasaring sa kanya na tulungan si Guo at ang nakakalungkot aniya rito, ang iba ay kaibigan pa niya.
Ngunit aniya hindi tulad ng kaso ni dating Senador Lacson na Filipino-Chinese Trader na inalukan ng pera.