-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Binaril-patay ng isang estudyante ang kapitbahay nitong nambubully sa kanya.

Kinilala ang biktima na si Artemio Brazil, 58 taong gulang, at residente ng Brgy. Cayare, San Miguel Leyte samantala kinilala naman ang suspek na si Jorent Greg Labaclado, 20 anyos at senior high school student sa San Miguel National High School.

Ayon kay PMsgt Rico CaƱeda, imbestigador han San Miguel Municipal Police Station, matagal nang may galit ang suspek sa biktima dahil maraming beses na raw itong binubully ng suspek at pinagsasalitaan ng masasakit na salita dahil sa estado ng kanilang pamumuhay.

Lumabas sa imbestigasyon na nang makasalubong ng suspek ang biktima sa labas ng bahay nito ay pinagbabaril ito ng apat na beses.

Nakapagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Brazil na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Samantala, nanatili naman sa ospital ang suspek dahil aksidente nitong nabaril ang kanyang paa nang hugutin ang dala-dala nitong baril.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga kapulisan ang kasong murder na ihahain laban sa suspek at gayundin ang illegal possession of firearms.