-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay sa pagamutan ang isang babae nang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa nakaparadang trak sa Pigcawayan Cotabato nitong gabi ng Martes.

Nakilala ang biktima na si Trashia Marie Ragonton,dalaga at estudyante na residente ng Brgy Balogo Pigcawayan Cotabato.

Ayon sa ulat ng Pigcawayan PNP na matulin umano ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ng biktima at aksidente nitong nabangga ang nakaparadang ten wheeler truck.

Sa tindi ng impak ay tumilapon ang biktima at tumama ang katawan nito sa sementadong kalsada.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero kalaunan ay binawian din ito ng buhay dahil sa mga tinamong mga sugat at bali sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Ang biktima umano ay may plano sanang sumali sa Miss Philippines bago nangyari ang aksidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa naturang pangyayari.