-- Advertisements --
DAVAO CITY – Mahaharap sa kasong swindling o estafa ang isang 19-anyos na estudyante matapos na hindi nagbigay ng kanyang taya na higit P500,000 sa online sabong sa Maco, Davao de Oro.
Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Erick John Somadela Suelto, residente ng Purok 2, Poblacion sa nasabing lugar.
Napag-alaman na nagpasaklolo si Jerrelyn Rotimas Acosta sa mga pulis matapos na hindi nagbigay si Suelto ng kanyang taya na P561,000 nang matalo sa online sabong.
Agad naman na hinuli ng mga pulis ang suspek at inindorso sa Maco Municipal Police Station kung saan kasalukuyan na itong nakakulong.