-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nanguna ang isang estudyante mula sa Tabaco National High School sa 15 iba pang kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon upang magtagumpay bilang overall winner ng 9th ASEAN QUIZ national competition na ginanap sa Quezon City.

Nanaig ang galing ni Javier Ignacio Fernandez sa tatlong Q&A rounds sa ASEAN general information.

Kaugnay nito, si Fernandez rin ang mangunguna sa team ng bansa sa 9th ASEAN Regional Quiz sa Singapore ngayong taon kasama sina Marcus Blaze Pilapil ng Pinagbuhatan High School sa NCR at Lorrhane Bantin ng Digos City National High School sa Region 11.

Maliban sa mga medalya at plaques of appreciation at trophies para sa coaches and schools, nakuha rin ng mga nasabing estudyante ang kabuuang P45,000 sa cash prizes at scholarships mula sa Gardner College.

Ayon sa organizer ng aktibidad, nilalayon lamang ng kompetisyon na maipakita ang kalidad ng sportsmanship, teamwork at collaboration sa mga kabataan na humikayat sa critical thinking at creativity.