LAOAG CITY – Inihayag ni P/Maj Reginaldo Dalipias Jr., chief of police ng Philippine National sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Ilocos Norte na nakatanggap sila ng report na isang Grade 9 student ang nagpakamatay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. 6 sa nasabing bayan.
Aniya, kinilala ang biktima na 15 taong gulang na lalaki at naninirahan sa Brgy. 6 sa bayan ng San Nicolas.
Ayon sa imbestigasyon, nagpadala ng mensahe ang biktima sa kanyang guro na nagpaalam sa kanya naa hindi muna ito papasok ng paaralln dahil masama ang pakiramdam nito.
Nagpadala rin umano ng mensahe ang biktima sa kanyang guro na gusto na nitong kitilin ang sarili nitong buhay ngunit hindi ito agad nakita ng guro.
Dahil dito, nang makita ng guro ang mensaheng ipinadala ng biktima, agad niyang tinawagan ang magulang ng estudyante.
Sinabi ni Dalipias na agad na pinadala ng ina ang bayaw ng biktima at natagpuan itong nakabitin sa loob ng kanyang silid.
Dagdag pa niya, na inireklamo ng biktima na mayroonng bumu-bully sakanya sa paaralan ngunit noong tinanong siya ng kanyang guro at wala umanong itong sinabi.
Samantala, lumabas sa imbestigasyon na ang biktima ay nahaharap sa mga problema sa pamilya at may mga personal na problema kung saan ay una niya ng tinangkang magpakamatay ngunit napigilan ng kanyang ina.
Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police sa insidente.