-- Advertisements --

Arestado ang 20-anyos na estudyante matapos na makuhanan ng isang plastic sachet ng marijuana sa LRT-2 Cubao Station.

Agad na dinala sa Quezon City Police District Station-7 ng mga guwardiya ng LRT ang naarestong suspek.

Ayon sa guwardiya, nakita niya ang nakabalot sa plastic na dahon ng marijuana sa bag ng suspek ng ito ay kaniyang inspeksyunin.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa nasabing suspek .