-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang dalagitang estudyante habang nasugatan ang kanyang kamag-anak matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang pick up sa Barangay Lullutan, lungsod ng Ilagan.

Ang nasawi ay si Sherimae Zalun, 15, mag-aaral habang nasugatan si Severino Zalun, 54, may-asawa, kapwa residente ng Lullutan, Ilagan City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng city of Ilagan Police Station na ang mga biktima ay sakay ng motorsiklo at habang binabagtas ang national highway ay aksidenteng nabangga ang Mitsubishi Estrada na may plakang NCB 3880 na minamaneho ni Cesar Villanueva, 58, may-asawa, magsasaka at residente ng Malasin, Ilagan City.

Nakaladkad ang mga sakay ng motorsiklo dahil sa lakas ng pagbangga na nagbunga ng pagtamo nila ng malalang sugat sa katawan.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Sherimae Zalun.