-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang estudyante sa pamamaril dakong alas 8:15 nitong gabi ng Martes sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si John Carlo Ayodtod Quezon,20 anyos,binata at residente ng Doña Theresa Street Barangay Poblacion 3 Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Quiruben Manalang na nakaupo lamang ang biktima sa harap ng kanilang tahanan ng itoy pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang 9mm pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo habang agad dinala ng pamilya ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril sa biktima.