LAOAG CITY – Kinumpirma ng pulisya sa Dingras, Ilocos Norte na nasa kustodiya na nila ang isang estudyante na nagpadala ng bomb threat sa isang guro sa Dingras National High School–Poblacion Campus.
Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo kay Dingras chief of police P/Maj. Ryan Retotar, sinabi niya na inamin mismo ng hindi na pinangalanang estudyante na siya ang nagpadala ng text message sa kanyang guro.
Dagdag niya na paliwanag ng estudyante ay ginaya lamang niya ang kanyang napanuod sa telebisyon.
Napag-alaman na ulila na sa ina ang suspek habang ang ama nito ay nakakulong.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng mga otoridad kung sasampahan nila ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1727 o Anti-Bomb Joke Law ang nasabing suspek.
Dagdag ni Retotar na kahit ang tiyahin ng suspek na nag-aalaga sa kanya ay nagulat sa ginawa ng kanyang pamangkin.