-- Advertisements --
Muling masasaksihan ang makulay na Eta Aquarid meteor shower ngayong weekend.
Ayon sa Pagasa Astronomical Division, ang nasabing meteor shower ay nakikita dahil sa pagdaan ng mundo sa orbit ng Halley’s comet.
Pinangalanan itong Eta Aquarid dahil nasa direksyon ito ng constellation Aquarius.
Sa pagtaya ng mga eksperto, mahigit 20 meteors kada oras ang nakikita sa peak ng naturang astronomical event.