-- Advertisements --

Hindi pa maityak ni Azkals goalkeeper Neil Etheridge kung makakapaglaro ito sa 2022 FIFA World Cup qualifiers.

Sinabi ni Azkals head coach Scotto Cooper na nagpahayag si Etheridge ng pagnanais na makasali sa national squad para sa laban nila sa China sa buwan ng Hunyo.

Dagdag pa nito na inaayos pa nito ang kaniyang passport at naghahanda siya sa para sa kaniyang kasal.

Ikinokonsidera kasi si Etheridge bilang pinakamagaling na goalkeepers sa Southeast Asia na kasama ng Azkals noong tatlong mga laban kabilang ang scoreless draw laban sa China noong Oktubre 2019.

Sa kasalukuyan ay naglalaro si Etheridge sa Birmingham City sa English Football League Championship.