Naniniwala ang beteranong mambabatas na si Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez na mayroong sapat na basehan para sa ethics complaint laban kay Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon Alvarez sa House of Representatives.
Ayon sa mambabatas, hindi nararapat na marinig mula sa kay Alvarez na umapela sa Armed Forces of the PH na iatras ang kanilang suporta mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi din nito na ang ethics committe ang magpapasya dito base sa isasagawang evaluation sa usapin.
Maalala, noong Linggo Abril 14, umapela ang dating House Speaker sa AFP at PNP na iatras ang kanilang suporta kay PBBM sa isinagawang rally sa Tagum city sa Davao del Norte kasabay ng pagpapahayag ng kaniyang galit kung paano pangasiwaan ng kasalukuyang administrasyon ang sitwasyon sa WPS kung saan umiigting pa ang tesniyon sa pagitan ng PH at China.
Sinabi din ni Alvarez na ang pag-withdraw umano ng suporta kay PBBM ay mag-uudyok sa pangulo na magbitiw.
Subalit sinabi ni Rodriguez na hindi nila ito sinasangayunan dahil ang Pangulo ay inihalal ng mayorya at mayroong suporta ang pangulo mula sa taumbayan.