-- Advertisements --

Nilinaw ni Atty. ferdinand Topacio na hindi ang buong Quad Committee ng Kamara ang kaniyang irereklamo, kundi isa lamang sa mga opisyal nito.

Partikular na hahabulin ng ethics complaint si Sta. Rosa City, Laguna Rep. Dan Fernandez.

Nag-ugat umano ang reklamo ni Topacio dahil sa “conduct unbecoming” at ilang “improper remarks” ng kongresista sa pagdinig ng quadcom hinggil sa illegal na POGO kung saan nakakaladkad ang kliyente niyang si Cassandra Li Ong.

Si Ong ang authorized representative ng Lucky South 99 na sinasabing may kaugnayan sa ilang iniimbestigahan ng Kamara.

Sa panig naman ni Fernandez, sinabi ng kampo nito na handa niyang harapin ang complaint dahil malinis umano ang konsensya nito at gumaganap lamang ng kaniyang tungkulin.

Umani naman ng sari-saring reaksyon ang pahayag ni Topacio na maghahain ito ng complaint, kung saan may mga nakisimpatiya habang meron ding pinuna mismo ang abogado at maging si Ong.