Kinumpirma ni House committee on ethics and privileges chair Rep. Filemon Espares na mayroong tatlong ethics complaints laban kay dating Speaker Pantaleon Alvarez.
Ang isa sa mga reklamo ay tungkol sa kanyang pagliban umano.
Sinabi ni Espares na dumalo si Alvarez sa pagdinig ng komite.
Ang mga reklamo sa umano’y patuloy na pagliban ni Alvarez ay ibinasura dahil wala itong batayan, at nakapagpakita ang mambabatas ng patunay na siya ay nagtatrabaho sa kanyang distrito.
Sinabi ni Espares na ang susunod na pagdinig ay gaganapin sa Lunes, Mayo 20, para sa paghatol ng iba pang reklamo laban kay Alvarez, na tungkol sa umano’y seditious na mga pahayag na binitawan ng dating speaker sa isang rally.
Nilinaw naman ni Espares na walang jurisdiction ang Komite na dinggin ang kasong libel laban kay Rep. Pantaleon Alvarez dahil maihahanay ito sa kasong criminal at korte ang magdi desisyon.
Aniya ang Komite ay nakatuon lamang sa administrative case.
Didinggin ng Komite ang reklamong disorderly behavior laban kay Alvarez.