Kinumpirma ni Ethiopian Airline Chief Executive Office Tewolde Gebremariam na na-activate umano ang anti-stall system ng eroplano, na kung tawagin din ay Maneuvering Characteristics Augmentation System (MCAS), bago ito bumagsak.
Ito ay kaugnay ng plane crash ng isa sa mga Boeing 737 MAX aircrafts na ikinasawi ng maraming pasahero.
Sinabi rin nito wala siyang access sa flight data recorder at cockpit voice recorder na narekober mula sa flight 302, ngunit pinakinggan umano niya ang pag-uusap sa pagitan ng cockpit at control tower sa Addis Ababa.
Sa kabila niyo, patuloy pa rin daw ang paniniwala at pakikipag-negosasyon ni Gebremariam sa Boeing.
Sa kasalukuyan, may 25 orders pa ng eroplano ang Ethiopian Airlines at may kabuuang 5,102 total orders ito ng 737 max aircraft kung saan 367 dito ay una ng ipinadala.
Naghahanda ngayon ang Boeing sa upgraded na system patch na inaasahang aaprubahan ng US Federal Aviation Administration.
Samantala, magsasagawa naman ang Boeing ng informational session bukas kasama ang mga piloto, operators at regulators ng mga airline companies upang ipaliwanag ang software at training updates para sa 737 MAX aircrafts.
Lumabas din ang spekulasyon na ilalabas umano ngayong linggo ang resulta ng datos sa imbestigasyon mula sa narekober na black boxes ng bumagsak na eroplano ng Ethiopian Airline.