-- Advertisements --

Hindi isinasantabi ng Ethiopian Airlines na may posibilidad ng terorismo o pananabotahe ang naganap na pagbagasak ng Boeing 737 Max 8 airlines na ikinasawi ng 157 pasahero sa Addis Ababa, Ethiopia.

Sinabi ni Ethiopian Airlines CEO Tewolde GebreMariam, na itinawag sa kanila ng piloto na nagkaroon ito ng technical problems at humingi ng clearance para makabalik sa Addis Ababa.

Nabigyan ito ng clearance base na rin sa record na Air Traffic Controllers.

Nilinaw din ni GebreMariam na ang piloto ay mayroong excellent flying record.

Lahat aniya ay kanilang ikinokonsidera hanggang hindi pa natatapos ang nasabing imbestigasyon.

Binubuo ito ng 32 Kenyans, 18 Canadians, nine Ethiopian, walong Americans, walong Italians, pitong United Kingdom national at walong Chinese.

Ang nasabing eroplano ay katulad din ng Indonesian Air jet na bumagsak matapos ang pag-takeoff sa Jakarta noong 2018 na ikinasawi ng 189 katao.

Nagpaabot na rin ng pakikidalamhati sa mga nasawi si Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed.