-- Advertisements --
Nabawi ng Ethiopian military ang control sa makasaysayang bayan ng Lalibela mula sa kamay ng mga Tigrayan rebels.
Nagpasya kasi ang Tigray People’s Liberation Front (TPLF) na tanggalin na ang kanilang mga tauhan sa lahat ng mga lugar sa Amhara at Afar regions.
Pumayag din ang mga rebeldeng grupo na magkaroon ng mapayapang pag-aayos sa pagitan nila ng gobyerno.
Matapos na makontrol ng mga sundalo ng Ethiopia ang lugar ay agad na binisita ito ni Deputy Prime Minister Demeke Mekonnen Hassen.
Ang Lalibela ay kilala sa mga lumang simbahan na ginawa pa noong 12th at 13th centuries at tinagurian ng Unesco bilang world heritage site noong 1978.