-- Advertisements --

Pinatay umano ng mga Taliban ang ethnic group na Hazara sa Daykundi province.

Ayon sa Amnesty International na may mga ebidensiya silang nakita sa karumaldumal na ginawa ng mga Taliban.

Kabilang sa mga ito ay dating sundalo ng gobyerno na sumuko sa mga Taliban.

Nadamay rin ang ilang sibilyan na tumakas matapos ang pagdating ng mga Taliban sa kanilang lugar.

Itinuturing ng grupo na ang pagpatay ay isang uri ng war crime.

Mariing pinabulaanan naman ng Taliban ang alegasyon na ito ng Amnesty International.