-- Advertisements --
gordon sondland

Hinarang ng White House ang isang ambassador mula sa pagtestigo nito sa US House of Representatives hinggil sa impeachment investigation laban kay President Donald Trump.

Ayon sa tatlong House committees na namumuno sa imbestigasyon, kukunin umano nila ang testimonya ni US Ambassador to the European Union Gordon Sondland.

Interesado raw kasi sila sa mga nalalaman ni Sondland at kung ano ang naging papel nito sa pagsusumikap ng American President na imbestigahan si former Vice President Joe Biden.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng komento ang State Department officials kung ano ang naging basehan upang harangin ang testimonya ni Sondland.

Sa kabila nito, naghain naman ng Subpoena ang House Democrats laban kay Sodland dahil sa biglaan nitong pag-atras sa nasabing impeachment inquiry.

Hindi rin maaaring magbahagi ng kahit anong dokumento si Sodland na may kinalaman sa imbestigayon.