-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni European Union Ambassador to the Philippines Ambassador Luc Veron ang kaniyang tattoo na gawa mismo ng 107-anyos na si Apo Whang-Od.
Kasunod ito ng pagbisita ni Amb. Veron sa lugar ng mambabatok sa Tinglayan, partikular sa Buscalan Tattoo Village sa lalawigan ng Kalinga.
Makikita sa ibinahagi nitong larawan na nagpalagay siya ng tattoo sa kaliwang braso at nakibahagi pa sa ilang aktibidad.
Kasabay nito, nangako ang EU envoy na buong puso niyang i-eendorso si Apo Whang-Od para sa prestigious National Living Treasures Award dito sa Pilipinas.
Pinasalamatan din nito ang mga lokal na opisyal at komunidad sa Tinglayan dahil sa mainit na pagtanggap sa kaniya at sa mga kasamahang bumisita sa nasabing lugar.
Samantala, nakipagsayaw naman si Apo Whang-Od sa Kalinga ethnic group upang ipakita ang mayamang kultura ng kanilang lugar sa mga mga bisitang opisyal.