-- Advertisements --
Umani ng batikos mula sa European Union at ibang mga bansa sa naging desisyon Istanbul, Turkey na ulitin ang halalan.
Ito ay matapos na manalo sa halalan ang kandidato ng oposisyon.
Ayon sa EU spokesperson na dapat ipaliwanag mabuti ng electoral body ng Turkey ang kanilang desisyon.
Tinawag naman ng France na ang hakbang ng Turkey ay tila isang uri ng pamamahala ng diktator.
Hinala kasi ng Justice and Development Party (AKP) ni President Recep Tayyip Erdogan na may mga naganap na pandaraya kaya uulitin nila ang halalan sa darating na Hunyo 23.
Dahil na rin sa desisyon ay inalmahan ito ng maraming mga mamamayan kung saan nagsagawa sila ng malawakang kilos protesta.