-- Advertisements --
Nagulat si European Council President Charles Michel sa nangyaring pagtama ng rocket ng Russia sa Poland na ikinasawi ng dalawang katao.
Sinabi nito na nakikiramay siya sa mga kaanak ng nasawing biktima at tiniyak nito na kasama ng Poland ang EU.
Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) at ang United Kingdom sa Poland kaugnay ng nasabing insidente.
Habang ang US ay inaalam mabuit ang nangyaring pagtama ng rocket sa Poland.